Lunes, Hunyo 29, 2015

Ortograpiya ng Wikang Filipino 2009

I. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBAYBAY


PAGSULAT NA PABAYBAY 

MGA GRAPEMA
Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng:

Patuloy sa pagsusulong ng sariling wika ang mga sangay ng pamahalaan upang marating ang istandarsyon at intelektuwalisasyon ng wika. Sa napakahabang kasaysayan ay nagawa ang mga intelektuwal ng bagong ortograpiya ng magiging gabay ng mga Filipino tungo sa pagkaaunawaan at lalong pagkakaisa ng mga mamamayan ng bansa. Sapagkat ang bansang Pilipinas ay binubuo ng higit sa 7,100 na pulo at higit sa tatlong-daan na dayalekto ay binuo ang ortograpiyang ito sa tulong ng mga representative mula sa iba’t ibang kapuluan. Nagkasundo, nagkaisa, nagtulong para sa mga minimithing pagkakaisa at pag-uunawaan.

Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikabng pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang estandardisadong mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit ng mga simbolong ito.

A. Letra. Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto



Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) letra at binibigkas sa tunong-Ingles maliban sa ñ. 

B. Hindi letra. 
Maaring buuin ito ng: 
1. Paiwa ( ‘ ), at pakupya ( ^ ) na sumisimbolo sa impit na tunog ( ? )

2. Tuldik na pahilis ( ‘ ) sumisimbolo sa impit na tunog at/o haba.

3. Bantas gaya ng tuldok ( . ), pananong ( ? ), padamdam ( ! ), kuwit ( , ), tuldok-kuwit ( ; ), tutuldok ( : ) kudlit ( ‘ ) at gitling ( - )

A. Pasalitang pagbaybay 

Paletra ag pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin ay isa-isang pagbiagkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, apantig, akronim, dglat, inisyal, simbolong pang-aagham, atbp.


Akronim

• MERALCO (Manila Electric Company) /em-i-ar-ey-el-si-o/

• PASATAF (Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino) /pi-ey-es-ey-ti-ey-ef/

• ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) /ey-ar-em-em/

• ASEAN (Association of Southeast Asian Nation) /ey-es-i-ey-en/

Daglat
• Bb. (Binibini) /kapital bi-bi/

• G. (Ginoo) /kapital ji/

• Gng (Ginang) /kapital ji-en-ji/

• Kgg (Kagalang-galang) /kapital key-ji-ji/

• Dr. (Doktor) /kapital di-ar/

Inistal ng Tao
• MLQ /em-el-kyu/

• CPR /si-pi-ar/

• JVP /jey-vi-pi/

• LKS /el-key-es/

• AGA /ey-ji-ey/

Inisyal ng Samahan/Institusyon
• KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) /key-dobolyu-ef/

• PSLF (Pambansang Samahan ng Lingwistikang Filipino) /pi-es-el-ef/

• KBP (Kapisananan ng mga Broadkaster sa Pilipinas) /key-bi-pi/

• PLM (Pamantasan ng Lungsod sa Maynila) /pi-el-em/

• MSU (Mindanao State University) /em-es-yu/ 

• NGO ( Non-Government Organization) /en-ji-o/

Simbolo ng Pang-agham/Pangmatematika
• Fe (iron) /ef-i/

• H2O (water) /eych-tu-o/

• Na CL (sodium) /en-ey-si-el/

• lb. (pound) /el-bi/

• kg. (kilogram) /key-ji/

b.1 Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas
“vakul” (Ivatan) panakip sa ulo na yari sa palmera na ginagamit bilang pananggalang sa ulan at init ng araw

‘’payo/payew” (Ifugaw) pangkalahatang tawag sa palayan ng mga Ifugaw

“bananu” (Hudhuh) sa halip na hagdan-hagdang palayan (rice terraces)

“tnalak” o ‘’t’nalak” (T’boli) habong yari sa abak ng mga Tiboli

‘’butanding’’ (Bicol) sa halip na ‘’whale shark”

“cabalen” (Pampango) kababayan

”hadja” babaeng Muslim na nagsasagawa ng paglalakbay sa Mecca

b.2 Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mulas sa mga banyagang wika, panatilihin ang orihinal nitong anyo.
status quo pizza pie 
bouquet sheik"
samurai french fries

b.3 Sa pagbaybay ng mga salitang mla sa Español, baybayin ito ayon sa ABAKADA
familia - pamilya

baño - banyo

cheque - tseke

maquina - makina

b.4 Sa pag-uulit ng salitang ugat na nagtatapos sa patinig na “e” hindi ito pinapalitan ng letrang “i”. Kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
Berde - berdeng-berde
Kape - kapeng-kape
Karne - karneng-karne
Libre - libreng-libre
Suwerte - suwerteng-suwerte 

b.5 Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na ‘’o’’ hindi ito pinapalitan ng letrang ‘’u’’. Giinagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
ano - ano-ano
sino - sino-sino
pito - pito-pito
halo - halo-halo
buto - buto-buto
piso - piso-piso
bato - bato-bato

May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng mga salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang hindi paggamit ng gitling.Ang hindi paggamit ng gitling ay nagapahiwatig na hindi taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, at sa halip, nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang nabuong salita tulad ng:

Haluhalo (pagkain)
Salusalo (piging/handaan)
Batubato (isang uri ng ibon)


b.6 Kapag hinuhulapian ng huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa ‘’e’’, ito ay nagiging ‘’i’’ at ang ‘’o’’ ay ‘’u’’.
korte - kortihan 
atake - atakihin
salbahe - salabahihin
balot - balutin
hinto - hintuan
bato - batuhin

Gayunman, may mga salitang nananatili ang “e” kahit hinuhulapian.

sine - sinehan
bote - botehan
onse - onsehan
base - basehan

b.7 Makabuluhan ang tunog na “e” at “o” kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga katutubo o hiram na salita.

mesa : misa
uso : oso
tela : tila

b.8 Gayunman hindi pwedeng palitan ng “I” ang “e” at “o” ng “u”. Dapat pa ring gamitin ang baybay na matagal na o lagi nang ginagamit.

babae, hindi babai
buhos, hindi buhus
sampu, hindi sampo

II. ANG PANTIG AT PALAPATANTIGAN

1. ANG PANTIG
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbikas ng salita. May isa (1) lamang sa bawat pantig.

Halimbawa:
oras - o.ras
ulo - u.lo
ilaw - i.law
asin - a.sin
alam - a.lam

2. KAYARIAN NG PANTIG

Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo: K para sa katinig, P para sa patinig.

Kayarian Halimbawa

P i.log
KP bu.nga
PK us.bong
KPK bul.sa
KKP pri.to
PKK eks.perto
KKPK plan.tsa
KKPKK trans.portasyon
KKPKKK shorts


3. PAGPAPANTIG
Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita. Ito ay binabatay sa grapema o nakassulat na simbolo.
3.1 Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang pang patinig sa posisyong inisyal, midyal at pinal ng salita, ito ay hiwalay sa mga pantig.
Halimbawa:

Salita Mga Pantig
aakyat a.ak.yat
aalis a.a.lis
alaala a.la.a.la
uuwi u.u.wi
totoo to.to.o

3.2 Kapag may kasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at pangalawa ay kasuond na patinig.
Halimbawa: 
Salita Mga Pantig
aklat ak.lat
bunso bun.so
impok im.pok
isda is.da
usbong us.bong

3.3 Kapag may taatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga pantig
eksperto eks.per.to
transpormer trans.por.mer
ekskomunikado eks.ko.mu.ni.ka.do
transportasyon trans.por.tas.yon

3.4 Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl ,br, dr, pl, tr, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
alambre a.lam.bre
balandra ba.lan.dra
empleyado em.ple.ya.do
control kon.trol
templo tem.plo

3.5 Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasaam sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimabawa:
Salita Mga patnig 
ekstra eks.tra
eksklusibo eks.klu.si.bo
ekstradisyon eks.tra.dis.yon
eksplosibo eks.plo.si.bo


4. Ang PAGUULIT NG PANTIG


Ang mga tuntunin sa pag-uulit ay ang mga sumusunod:

4.1 Kung ang unang tunog ng salitang ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa: 
Salita Mga pantig
alis a.alis
iwan i.iwan
ulan u.ulan
alamin a.alamin
orasan o.orasan

Sinusunod din ang tuntuning ito kahit may unlapi ang salita.

Halimbawa:
Salita Mga pantig
maiwan ma.i.i.wan
uminom u.mi.i.nom
mag-agiw mag.a.a.giw
mag-aral mag.a.a.ral
umambon u.ma.am.bon

4.2 Kung ang unanag pantig ng salitang-ugat ay nagsisismula sa KP, ay katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig 
ba.ha ba.ba.ha mag.ba.ba.ha
pu.lot pu.pu.lot mag.pu.pu.lot
su.lat su.su.lat mag.su.su.lat
pu.tol pu.pu.tol mag.pu.pu.tol
la.kad la.la.kad mag.la.la.kad

4.3 Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay may kaambal-katinig o klaster, inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
Halimabawa:
Salita Mga pantig 
plan.tsa pa.plan.tsa.hin mag.pa.plan.tsa
pri.to pi.pri.tu.hin mag.pi.pri.to